Praying W.I.F.E. Forum

“Mas Love Ko Na Si Lord Kaysa Kay Husband.” – Sis C2

Scroll down to content

“My husband left us for another woman over a year ago. I never thought na we would go thru this kind of trial kasi po ok naman ang marriage namin we seldom fought, mostly magkaroon man dahil po sa misunderstanding in financial matters. Apart from that, wala po kami naging matinding away. Our children are the most precious gifts that we have. Mababait po ang mga bata; never po nila kami binigyan ng sakit ng ulo. Kaya when this trial happened to us, my second daughter asked me why we suffered when we don’t do bad things; she also knows how generous my husband is. He always has a helping hand to others sumobra lang po last year to the point na pinagpalit nya kami kay Ate Gurl 😂😂😂.

Before, I was really devastated pero never ko po silang kinonfront. I even gave advice kay Ate gurl na magpray na bigyan sya ni Lord same kind of man like my husband pero cguro nasa isip na baka mahirapan sya kaya si husband ko pa rin gusto nya. 😭😭😭 Sobrang sakit po dahil hindi ko tinuring na ibang tao si Ate Gurl dahil empleyado po namin sya sa inumpisahan naming business. Galit na galit po yung eldest daughter ko na she even said na paduduguin nya lahat ng pwedeng dumugo kay Ate Gurl. Pinigilan ko sya dahil ayoko pong malaman ng iba yung nangyayari sa amin; ayokong masira ang tingin ng mga empleyado namin sa husband ko. Lahat po ginawa ko to keep my husband pero ganoon po siguro talaga… mientras pinipigil lalong nanggigigigil, to the point na totally iniwan nya kami. Sobrang naapektuhan ang mga bata, pati po performance nila sa school and sa sports nila specially my youngest dahil he looked up to my husband. I came to a point na I wanted to end my life kasi I failed as a wife and as a mother. Pero di po ako pinabayaan ni Lord para ituloy ko yun. Pumasok sa isip ko paano na ang mga anak ko kung mawawala ako, paano sila kapag may pinagdaanan sila na wala ako, baka di nila kayanin.

Maraming araw at gabi na umiiyak ako nag self-pity until I started magseek kay Lord. Ang dami ko pong pinuntahan nagsisimba ako sa Baclaran, tumatambay po ako sa simbahan nagbabakasakali na may makakita sa akin mabigyan ako ng payo to ease my pain. Nag-email po ako sa Marriage Encounter pero wala pong pumansin until one day I came across isang preaching ni pastor Bong Saquing. Na/curious po ako, nag-search po ako about CCF then nakipag-chat. Doon po nagsimula yung journey ko to know our Lord better.

Before, sobra ang self-pity ko; awang-awa ako sa sarili ko dahil sa ginawa sa akin ng husband ko to the point na siniraan nya ako sa family nya pati sa mga bata. Sa akin nya sinisisi ang pagkalugi ng business dahil inubos ko daw ang pera ng kumpanya. Opo financial may nagalaw akong pera pero binayaran ko po iyon sa tulong ng mother ko. Yun pong nagalaw kong pera ay nagastos ko rin kahihingi nya sa akin ng pera kesyo may imemeet sya na client pinautang nya sa mistress nya . Kung di ko po nakilala nang lubos si Lord, baka kung anu na ang nagawa ko sa kanila. Pero I stayed calm kahit na po unti-unti akong nakarecover at narealize ko kung paano nila ako niloko. I stayed calm dahil po iniisip ko hindi husband ang kaaway ko kundi si Satan. Palagi kong iniisip kung gaano sya kabuting tao kesa yung kung paano nya ako niloko. Kahit na nalaman ko na sinisiraan nya ako, hindi po ako nagreact kasi sabi ko sa sarili ko, si Lord naman ang kakampi ko.

It doesn’t matter kung sa tingin ng iba kasalanan ko basta mahalaga na kay Lord ako at susundin ko yung gusto nya.

Mahirap po pero kinakaya dahil alam kong hindi ako pinapabayaan ni Lord. Financially para po kaming namamalimos sa kanya kung kailan nya maisipan bigyan ang mga bata. Sa akin, thankful na po ako doon at least naalala nya ang mga anak nya.

Everytime he spends time with them nagpapapasalamat ako kay Lord kasi mas pinili nya makasama mga anak nya kesa kay Ate Gurl.

Lahat po, I take it as a blessing. Unlike po before na wala pa si Lord sa buhay ko, lahat pakiramdam ko kasalanan ko, kaawa-awa ako kaya dati umiiyak ako kapag umaalis ang mga bata kasama ang husband ko, awang-awa po ako sa sarili ko. Pero iba na po ngayon; nagpapasalamat pa ako dahil nabigyan nya ng time ang mga bata. Since nang mapasama po ako sa group na ito [PWF], mas lalo po akong na-bless at lalong tumatag ang faith ko kay Lord kasi di pala ako nag iisa; marami akong natutunan from this group kung paano ako kinakausap ni Lord. Lagi pong sakto sa kung ano yung tanong ko, nasasagot po sa bawat testimony dito sa group kaya sobra po akong nagpapasalamat kay Lord dahil feel na feel ko yung love Nya sa akin.

Hindi na po importante yung material things; sa financial, talaga pong sagad ako pero everyday po nakakaraos kaya thankful pa rin po talaga ako. Basta po, let’s always think positive. Lagi kong iniisip na for every suffering, there is a greater blessing. Mahal tayo ni Lord. He broke us for us to seek Him dahil ayaw Nya tayong mawala sa Kanya. Yan po palagi iniisip ko.

Marami pong kulang sa ngayon pero there is inner peace and joy in my heart. Through this group, I learned to pray for my husband. Sis Cecile even prays for Ate Gurl.

Mas magaan na pong dalhin ngayon kesa dati. All this because of God’s grace. Hindi ko po ito magagawa kung walang intercession ni Lord. Praise and Glory to His name ❤️❤️❤️

Ngayon po hindi na ako naghahabol sa husband ko i completely surrendered him kay Lord dahil on my own effort wala po akong magagawa to change his heart pero nandyan si Lord to do it for me. Sabi nya diba its not our battle but it is his. I just pray for my husband to keep him safe and he seek rin si Lord gaya ng ginawa ni Lord sa akin for his own salvation. I still love my husband pero mas love ko na si Lord kesa sa kanya 😊

Ngayon po hindi na ako naghahabol sa husband ko i completely surrendered him kay Lord dahil on my own effort wala po akong magagawa to change his heart pero nandyan si Lord to do it for me. Sabi nya diba its not our battle but it is his. I just pray for my husband to keep him safe and he seek rin si Lord gaya ng ginawa ni Lord sa akin for his own salvation. I still love my husband pero mas love ko na si Lord kesa sa kanya.” 😊 – Sis C2

4 Replies to ““Mas Love Ko Na Si Lord Kaysa Kay Husband.” – Sis C2”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: