My take away from the devotion by Sis Elaine Ongpauco, Made for Love:


Sorry late po, dami pinapagawa si husband, but thanks kasi with this COVID 19 Enhanced Community Quarantine, nanatili si hubby sa bahay and praise God magagawa ko lahat ng pagiging submissive wife, na hindi na kami nag-aaway… meron konti pero konti na lang, hindi na katulad ng dati. But this time talagang ginagawa ko lahat ng aking makakaya na hindi sya magagalit sa akin, like before sasagot ako sa kanya. Now I have to ask God kung tama ba ang sasabihin ko or give me Lord some answers na hindi magagalit si husband. Kaya careful talaga ako. And I think sa ginagawa ko for now is already a SACRIFICIAL LOVE for my husband, yun bang wala kang reklamo na kahit anong gusto nyang ipagawa sa yo, sige OK lang basta may peace sa inyong relationship, masaya siya for what you did, kahit small things na-aappreciate nya. He said, “Thanks Dear.” May lambing na ang salita nya na kahit na sinabi na niya noon sa kasamahan niya sa work nya na kung kami lang daw ang matira sa isang isla iiwanan daw niya ako.

But then, naalala ko rin sinabi niya sa akin noon na kung magbago daw ako at alisin ko ang pagiging nagger ko, at huwag ko na syang pakialaman at huwag ko na syang tanongin or anything na nakakainis for him, babalik daw ang love niya sa akin.

So noon hindi ko yon magawa kasi I am full of hate sa husband ko, but pakunti-kunti nawawala because of the bible sharings in our group.. so thankful for this group.

I sacrificed what I feel which is hate sa husband ko for what he did to me… mahirap pero ‘yon lang ang dapat gawin to win him back, and also to GLORIFY GOD, kasi yon ang promise din Nya sa akin…

If you OBEY him, Sya ang gagawa para sa yo.

Sa PRACTICAL LOVE naman, I think kung anong pinapakita ko sa husband ko now yong walang reklamo sa kanya na kahit pagod ka na sa lahat ng gawaing bahay and he didn’t hear me complain at kahit na uutusan pa niya ako, I still do it na wala syang maririnig sa akin.. but i still have a smiling face kaya makikita ko rin sa face niya na happy siya; happy na ako doon.

At lahat ng decisions, tinatanong ko sa kanya, just to let him know na sya pa rin ang may last say.

Nararamdaman niya yong respect na binibigay ko sa kanya and also I am PRAISING GOD kasi bate na ang husband ko at ang son ko kasi hndi sila nag-uusap for 3 or 4 months kaya THANK YOU LORD.

Nagsasagwan ako sa bangka sa bahay, kasi ang sabi ng anak ko sa akin noon… “Mama, kung masaya ka sa ginagawa mo, I will support you, pero pag nakikita kita na umiiyak at pinapaiyak ka pa ni Papa, hindi ko na siya mapapatawad.”

This was the last thing na iniisip ko lagi; sabi ko sa sarili ko, I have to do something na kahit mahirap but kailangan kong gawin. Mahal ko ang anak ko, mahal ko rin ang husband ko, kaya kailangan ng paraan para mabuo ulit kami. Kaya very THANKFUL PO AKO SA GROUP NA ITO and to Ms. Malu Ortiz na pinasok niya ako dito… LOVE U ALL SISTERS 😘❤️😘 so blessed by all ur sharings kahit nakikinig lang ako… Love ❤️ u all 😘😘

Leave a Reply

%d bloggers like this: